Press Release

Ang isang pahayag, paglabas ng balita, paglabas ng media, pahayag ng pahayag o pagpapalabas ng video ay isang nakasulat o naitala na komunikasyon na itinuro sa mga miyembro ng media ng balita para sa layunin ng pag-anunsyo ng isang bagay na parang nararapat. Karaniwan, ang mga ito ay ipapadala sa koreo, i-fax, o e-mail sa mga editor ng pagtatalaga at mga mamamahayag sa mga pahayagan, magasin, istasyon ng radyo, online media, mga istasyon ng telebisyon o mga telebisyon.

Pagsulat ng Press release

  1. 1. Press Release Ito ay isinasagawa para sa anumang anunsiyo na pampubliko. Inilalathala ito ng isang kumpanya upang ibalita ang mahahalagang pangyayari sa organisasyon at ipakilala ang kanilang produkto o serbisyo.
  2. 2. Ano ang Press Release? • Estratehiya upang isapubliko ang bagong pamunuan, bagong produkto o serbisyo, outreach program atbp. • Ang balita ay obhektibo samantalang ang press release ay nagsisilbi ng interes ng organisasyon o ng manunulat nito (kawani ng kompanya, organisasyon, mamamahayag na inupahan upang mag-ulat nito) • Karaniwang ipinadadala ito sa pahayagan gaya ng print o broadcast media (maaari ring gamitin ang social media at iba pang digital platform)
  3. 3. BENEPISYO NG •Pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang makakuha ng libreng publisidad •Mas maraming tao ang naaabot nito lalo na sa tulong ng social media o online press release
  4. 4. PAGSULAT NG 1. Isaisip ang press release bilang kasangkapan sa pagbebenta. 2. Kailangang kabala-balita ang lamang press release. 3. Isulat ang press release na para bang isang mamamahayag.
  5. 5. PAGSULAT NG 4. Makatutulong kung maglalagay sa press release ng sipi ng mga sinabi ng taong tampok dito. 5. Panatilihin ang magandang relasyon sa mga mamamahayag o iba pang uri ng manunulat na padadalhan ng press release.
  6. 6. dela Cruz, M. A. (2016). DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik Modyul. Makati City: DIWA Learning Systems Inc. Iba’t ibang source mula sa internet SANGGUNIAN

Katitikan ng pulong

Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro patin na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap.

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora

Petsa: July 19, 2017

Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

 

Mga Dumalo                                                  Mga Hindi Dumalo

KGG. Anthony Dominic Sanchez          1

KGG. Mark Vincent Cabana                   2

KGG. Elizar Valenzuela                           3

KGG. Rendell Solano                                4

KGG. Onille Paul Bernardino                5

KGG. Von Andrew Lopez

KGG. Zia Czarina Garcia                                                                        

 

Daloy ng Usapan

 

Panimula

  1. Panalangin
  2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
  3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
  4. Iba pa

 

PANIMULA:

KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:

Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.

KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko.Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.

KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging sakanilang mga tatakbo.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?

KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.

KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.

KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito?

KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro 500.00php ang kakailanganin natin.

KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong 300.00php.

KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.

KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:

Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo

Tubig = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php

KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity na ito.

 

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

 

ZIA CZARINA GARCIA

Kalihim ng barangay

 

Pinapatunayang totoo:

 

KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ

Punong Barangay

Kgg. na taga-pangulo

Agenda

Ang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan.  Ang salitang agenda ay maari ring tumukoy sa plano o tunay na pakay ng isang tao. Halimbawa, hindi maganda ang kanyang agenda kaya sya pumarito.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG AGENDA
• Upang masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok patungo sa isang direksyon.

• Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdadarausan , ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangan talakayin, at maaaring kalabasan ng pulong.

• Upang magkaroon ng espesipikong paguusapan o tatalakayin sa pagpupulong

• Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang usapin lamang.

• Upang ang mga kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang nais na paguusapan

 

Talumpati

Ano ang talumpati? Ang talumpati ay paglalahad ng kaisipan o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado sa harapan ng grupo ng mga tao. Ang kahalagahan ng talumpati ay nakikita sa mga layunin nito, at ito ang mga sumusunod:  manghikayat ng ibang tao, tumugon sa isang isyu, magbigay ng katwiran at magsaad ng paniniwala, o di kaya’y magbigay ng karagdagan na kaalaman.

Halimbawa :

Isang Talumpati para sa Kabataan
Kabataan, Pag-asa ng bayan
Kabataan: Pag-asa pa rin ba ng bayan?
Ang Papel ng Kabataan sa Bayan
Kabataan: Noon at ngayon

Panukalang Proyekto

Ang kahulugan ng panukalang proyekto ito ay ipinapasa pa lamang o minumungkahi palang na mga proyekto.Hindi pa ito naisasakatuparan at paguusapan pa lamang ng isang organisasyon o samahan.Isang halimbawa ng panukalang proyekto ang ang pagtatayo ng mga bagong istasyon ng MRT.kung gagamitn sa salaysay, Maraming inilahad na panukalang proyekto ang gabinete ng gobyerno sa Pangulo.

8 Bahagi ng Panukalang Proyekto

Pamagat

Proponent

Kategorya

Petsa

Rasyonal

Deskripsyon

Budget

Pakinabang

Pagbabalangkas

Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sapagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.

Buod

Ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring pinanood,pinakinggan o nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga pinaka-mahahalagang ideya at mga sumusoportang ideya o datos. Mga mahahalagang pangyayari o ang mga mahahalagang nangyari.